Advertisers

Advertisers

YENG CONSTANTINO IPINAGDARASAL ANG TRUE LOVE NI RYAN BANG

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ipinagdarasal ni Yeng Constantino na makilala ni Ryan Bang ang babaeng makakasama niya habang buhay.

Ayon kay Yeng, karapat-dapat si Ryan na mahalin at alagaan dahil malaki umano ang puso nito.

Sinabi rin ng singer na positibo siyang darating ang tamang tao para kay Ryan sa tamang panahon.

Sa kabila ng kanilang dating “almost romance,” nananatiling maayos ang relasyon at pagkakaibigan nina Yeng at Ryan.

Maging ang asawa ni Yeng na si Yan Asuncion ay naiintindihan ang naging closeness nila ni Ryan noong bata pa sila.

Samantala, kasama si Yeng sa coaching panel ng bagong season ng The Voice Kids, na mapapanood sa GMA simula Setyembre 13.