Advertisers

Advertisers

P850m ‘tsaabu’ nasamsam sa Pangasinan

0 14

Advertisers

NASAMSAM ng mga awtoridad ang tinatayang P850 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Pangasinan noong Oktubre 2, 2025, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Monkey”, 40 anyos, Chinese national mula Cavite; at alyas “Gardo”, 54, mula Zamboanga City.



Ang iligal na droga, tumi-timbang ng humigit-kumulang 125 kilo at nakalagay sa mga plastik na tea bag, ay nasamsam sa Olongapo-Bugallon Road sa tulong ng PNP Drug Enforcement Group, NICA, at AFP Counterintelligence Group.

Narekober din mula sa kanila ang isang Hyundai Starex, cellphone, at marked money.

Sasampahan sila ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula P500,000 hanggang P10 milyon.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani R. Nerez, bunga ito ng matagal nang pagmamanman sa mga sindikatong sangkot sa drug trafficking. (Boy Celario)