Advertisers

Advertisers

Driver pinagmaneho ang kandong na bata, suspendido ang lisensiya

0 13

Advertisers

SUSPENDIDO ang lisensya ng isang driver nang mag-viral ang video na pinamaneho niya ang kanyang sasakyan sa kandong na bata sa Butuan City.

Sa video, makikitang hinahayaan ng lalaki ang bata na kontrolin ang manibela, habang pareho silang walang suot na seatbelt. Maririnig pa ang boses niya at ng isang babae na nagbibigay direksyon sa bata habang umaandar ang sasakyan.

Inatasan ng Land Transportation Office (LTO) ang driver at ang rehistradong may-ari ng sasakyan na humarap sa tanggapan ng ahensya sa Oktubre 15 upang magpaliwanag tungkol sa insidente.



Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bukod sa 90 araw na suspensyon ng lisensya, maaari rin silang maharap sa mga kasong reckless driving, hindi paggamit ng seatbelt device, at pag-upo ng bata sa front seat.

Ipinag-utos din ng DOTr na ilagay sa alarma ang MG sedan na ginamit sa video habang ipinagpapatuloy ang imbestigasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">