Advertisers
INANUNSYO ni Laguna Governor Sol Aragones ang suspensyon ng ‘face to face classes’ sa lahat ng antas sa Laguna bunsod ng nakaambang pagtama ng lindol.
Ayon sa Facebook post ni Aragones nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, magsisimula ang Online at Modular classes mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 31 sa lahat ng antas mula pampubliko at pribadong eskuwelahan.
Ito’y nang muling umugong ang banta ng pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila at karatig probinsya bunsod ng magkakasunod na lindol na tumama sa Visayas at Mindanao.