Advertisers

Advertisers

COLLOQUIUM SA USTE

0 17

Advertisers

PINAHANGA ako ng mga college student ng University of Sto. Tomas (UST), nang ako ay naging bahagi doon sa kanilang forum noong November 6, na sa aking pagkakaalam ay naisakatuparan sa pakikipag-ugnayan sa pagitan National Security Council (NCS) at ng Faculty Arts and Letters.

Akin din napag-alaman na noong una kasama sa pag-oorganisa ng forum ang UST Research Center for Social Sciences and Education (RCSSED) na tumangging bigla nang malaman na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay lalahok at makikibahagi sa forum.

Ang forum nga pala ayon na rin kay PROF. Melanie Turingan, dean of the UST Faculty of Arts and Letters, ay isang research colloquium sa “terror grooming,” na ang tanging layunin ay malaman ng mga college students at makibahagi sa mga natuklasan ng kanilang research.

Uulitin ko lang ang research colloquium, ay pinamagatang “Preventing Terror Grooming: The Philippine Experience.”

Ako ay naging bahagi bilang kinatawan ng NSC at naatasan tumalakay kung ano at paano nagsisimula ang terror grooming. Pahapyaw ko na lang sasabihin sa inyo ano ba itong terror grooming?

Ito ang pagrerecruit sa ating mga kabataan ng mapanglinlang na mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Kaya nga naimbitahin din si Arian Jane Ramos, legal affairs committee head of Buklod Kapayapaan Federation, samahan ng mga dating rebeldeng CPP-NPA-NDF, na nagsabi ang student recruitment ay isang “public and policy concern.”

Sinabi mismo ni Ramos sa mga taga-USTE na ang mga narerecruit na kabataan sa New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay kalimitang galing sa mga militante o’ aktibistang organisasyon sa mga paaralan at mga unibersidad. At kadalasan, ayon kay Ramos, pagtungtong ng mga ito sa edad na 22, sila ay mga NPA fighters na.

Yun din halos ang aking prenisenta kasama ang mga visual aid, ng mga larawan ng mga estudyanteng nakikilahok sa mga rally, na siyang ikina-init ng ulo ng isang philosophy student, at nagsisigaw noon, na mali raw ang aking iprinisenta, dahil isa pala siya sa mga larawang aking naipakita sa diskurso na aking tinatalakay. Nagwalk out nang nagsisigaw ang nasabing estudyante.

Oh, di ba, nakakahanga ang mga estudyante ng USTE.