Advertisers

Advertisers

Kim Chiu naghubad sa harap ni Paulo Avelino sa “The Alibi”

0 258

Advertisers

Ni Anne Venancio

TRENDING sa socmed ang bagong serye na ‘The Alibi’ nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa kanilang mapangahas na mga eksena lalo na nung nag-pole dance si Kim bilang Stella habang nanonood si Paulo na gumaganap bilang si Vincent.

Sa The Alibi, ginagampanan ni Kim ang papel ng ex-convict na si Stella, na napilitang tanggapin ang alok ni Vincent kapalit ng isang milyong piso para magsilbing alibi nito sa kasong pagpatay sa rival niyang si Walter, ginagampanan ni Sam Milby.

Mapangahas na nga ang role ng aktres at game na itong magpakita ng skin, “Siguro naman, as a 35-year old woman, tapós na tayo sa pang-16-year old role. Ano ang ipapakita ko sa aking 30s? I think it’s my skin,” ani Kim.

Ito na ang pang-apat na tambalan ng KimPau after ng hit na Linlang, ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ at ‘My Love Will Make You Disappear.’

Sen. Robin Padilla binuhay ang pelikulang ‘Bad Boy 3’ after 11 yrs

FINALLY ay ipalalabas na ang pelikulang ‘Bad Boy 3’ ni Sen. Robin Padilla ngayong Disyembre matapos ang 11 taon.

“Actually, 11 years in the making ang Bad Boy 3. Nagsimula kami noong 2014, pero nahinto nang pumasok ako sa pulitika. Marami rin akong tinulungan noon kaya hindi ko na natutukan ang pelikula,” kwento ng actor-politician.

Natuloy lang ang umano ang proyekto noong nakaraang taon matapos magpaalala ang Viva Films producer na si Boss Vic del Rosario.

Kwento ni Robin, nagpahaba siya ng buhok at nagpatubo ng bigote, na labis na ikinatuwa ng misis niyang si Mariel Rodriguez. “Malungkot si Mariel kapag may bigote.

Ayaw niyang magpahalik,” biro nito sa interbyu kay Boy Abunda sa Fast Talk.

Nilinaw naman ni Binoe na kahit abala siya sa Senado, hindi niya tatalikuran ang pag-arte.

“Mas maraming artista sa Senado ngayon, marami ring mas magaling sa akin, pero iba talaga ang saya kapag nasa set ka. Sabi nga ni Mariel, ‘Iba yung saya mo, ah!’”