Advertisers

Advertisers

Pekeng doktor timbog sa Quezon City

0 15

Advertisers

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Vietnamese national at kanyang katulong dahil sa pagpapatakbo ng ilegal na cosmetic clinic sa mga condominium unit sa Manila at Quezon City.



Nasakote ang mga ito sa isang entrapment operation at reklamo ng isang concerned citizen, kungsaan tinanggap ng suspek ang bayad para sa rhinoplasty procedure.

Ayon kay NBI–Dangerous Drugs Division Chief, Atty. Jonathan Galicia, nag-aalok ang klinika ng cosmetic surgery, skincare procedures, at mga gamot na hindi aprubado ng FDA, at may mga naunang pasyente na nagreklamo ng depekto at impeksyon.



Ayon sa ulat, umaabot sa P90,000 bawat procedure ang sinisingil ng mga suspek. Ito ang ikalawang pag-aresto sa kanila ngayong taon, at limang Vietnamese nationals na ang nahuli nitong 2025 sa pagpapanggap bilang doktor.

Hinaharap ng mga suspek ang kaso sa Illegal Practice of Medicine at paglabag sa FDA Law at Philippine Pharmacy Act.