Advertisers

Advertisers

PNP blangko kay Bato

0 14

Advertisers

WALANG impormasyon ang Philippine National Police (PNP) sa kinaroroonan ni Senador “Bato” Dela Rosa, na halos isang buwan nang hindi nagpapakita matapos ang umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).



Nitong Linggo, sinabi ni dating Presidential spokesperson Harry Roque na may inilabas nang warrant ang ICC laban kay Dela Rosa kaugnay ng war on drugs.

Sinabi naman ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, at Malacañang na wala pa silang natatanggap na opisyal na dokumento hinggil dito.



Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nasa Pampanga lamang ang senador.

Matatandaang sinabi ni Remulla na mayroon siyang kopya ng arrest warrant ng ICC noong Nobyembre, ngunit hindi ito opisyal na dokumento. Mula noon, ‘di na pumasok si Dela Rosa sa Senado.