Advertisers

Advertisers

Jasmine Curtis-Smith nagreak sa isyung retoke ang mukha

0 17

Advertisers

Ni Anne Venancio

TINULDUKAN ni Jasmine Curtis-Smith sa X (dating Twitter) ang balitang sumailalim umano siya sa plastic surgery matapos mapansin ng ilang netizens ang umano’y pagbabago sa kanyang mukha sa isang social media post nito.

Aniya, walang anumang procedure na ginawa sa kanyang mukha. Posibleng dahil tumaba lang siya dahil sa kanyang biyahe abroad.

Paliwanag ng aktres, “I’ve seen the Reddit rumor and comments. No, I haven’t gotten anything done to my face. I have gained 6kgs from my recent trip to Australia and have been crying on and off for a few days.”

Dagdag pa nito, “I gain a little and apparently I got botched work done; I lose a little and I’ve got an eating problem… it’s bothersome to read the comments.”

Gerald Anderson umaming
single na at may pagkukulang kay Julia Barretto

Matatandaang kinumpirma ng Star Magic at Viva Artists Agency noong Setyembre 18, 2025 ang paghihiwalay nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos ang anim taon relasyon. Mismong si Gerald ang umamin na single siya ngayon at mas mas nakatuon sa kanyang personal growth.

Aniya, “It’s been okay na single, focus ako ngayon sa growth as a person and sa career.”

Hindi rin umano nagmamadaling magkaroon agad ng bagong karelasyon ang aktor. “I have to be the best possible person bago ako pumasok sa bagong relationship.”

Aminado naman si Gerald na may pagkukulang siya sa relasyon nila ni Julia Barretto. “Marami pa akong kailangan i-improve bilang isang tao, ‘yung hindi nyo nakikita behind the camera.”

Maxene Magalona 4 taon lumayo
sa inang si Pia Magalona

PANSAMANTALANG lumayo si Maxene Magalona sa kanyang ina na si Pia Magalona para sa ikabubuti ng kanyang mental health.

Sa interbyu sa aktres ni Karen Davila sa YouTube, nilinaw nito na mas maayos na ang relasyon nilang mag-ina ngayon.

Ayon kay Maxene, halos apat na taon siyang hindi nakipag-usap sa kanyang ina base na rin sa payo ng kanyang psychiatrist. Ipinaliwanag sa kanya na ang “healthy distance” ay mahalagang hakbang upang maproseso ang mga hindi pa niya kayang harapin noon.

Wala naman daw masamang intensyon ang kanyang ina kundi pagmamahal pero hindi umano tugma ang mga paraan nito sa pangangailangan niya noong panahon na iyon. Maging si Pia ay dumaan din sa sariling paghilom at natutunang hayaan siyang mag-grow mag-isa.

Ibinahagi rin ni Maxene na may ilang magulang ang nakakapit nang husto sa kanilang mga anak dahil sa pakiramdam ng pagiging “needed,” at nagiging mahirap ang pagbitaw habang tumatanda ang mga anak. At ngayon nga ay nakikita niya ang pagsisikap ng kanyang ina na unti-unting baguhin ang approach nito.

Diniin ni Maxene na mahalagang tandaan na may mga pagkakataong kailangan ng pamilya ng pansamantalang espasyo pero dapat, hindi pa rin mawala ang pagmamahal at mabuting hangarin para sa bawat isa.