Advertisers
Ni Anne Venancio
BAGAMA’T hiwalay na kay Ellen Adarna, still kasama pa rin ng aktor na si Derek Ramsay ang kanilang anak na si Lily sa pagdiriwang nito ng kanyang birthday party sa bahay ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.
Emosyonal na pahayag ng aktor, “Four days ago that uhh just imagine if God takes away someone that you never thought you could lose. Imagine, what He can give you, so He’s giving me all of you. Thank you very much for being here and helping me.”
Hindi umano inakala ng aktor na darating sa puntong iiwanan siya ng kanyang misis, na nauna nang nagpahayag na may peace of mind na siya ngayon at nasisiyahan sa pagiging ‘malaya’.
***
Barbie Forteza acting idols sina Juday at Uge
Hindi maitago ni Barbie Forteza ang saya nito na kabilang sila ni Eugene Domingo sa “Chef’s Night” sa Angrydobo, isang multi-course dining experience na kung saan ang chef mismo ay ang restaurant owner na si Judy Ann Santos.
Caption ni Barbie, “Chef’s night with two of my acting idols.” What a night. Every course was a palate experience. def a dinner I will remember. thank you so much po, Ms. Eugene & Ms. @officialjuday.”
Sa post naman ni Juday, ipinakita niya ang pagsasama-sama ng “bida at kontrabida” sa kanyang restaurant, kung saan nagkasama sina Barbie at Uge sa Netflix series na ‘Kontrabida Academy’ habang sina Juday at Eugene ay sa pelikulang ‘Espantaho’ na isa sa mga entry sa 2024 MMFF.
***
Gladys Reyes neutral lang, ayaw makisawsaw sa isyu nina Claudine at Angelu de Leon
NILINAW ni Gladys Reyes sa interbyu sa kanya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ na neutral umano siya sa isyu ng mga kaibigang sina Claudine Barretto at Angelu de Leon.
Ayaw niyang makialam lalo’t hindi niya alam ang buong detalye ng isyu.
“Matagal ko na silang mga kaibigan sa industriya. Kung ano man ang hindi nila pagkakaunawaan, hindi ko alam kung saan nagsimula at kung saan mauuwi, kaya mahirap makisali,” giit ng aktres.
Matatandaang umingay ang isyu matapos banggitin ni Claudine sa isang event na game siyang makatrabaho muli sina Judy Ann at Gladys pero hindi si Angelu.
Samantala, sa interbyu kay Claudine ng talent manager na si Ogie DIaz noong Abril 2024, binawi ng aktres ang pahayag at sinabing pinagsisihan umano niya ang kanyang sinabi. Noong Agosto 2024 naman, inamin ni Angelu na wala pa silang pagkakataong magkausap ni Claudine pero umaasa siyang maaayos din ang lahat sa tamang panahon.
Aminado rin si Gladys na nakatatanggap siya ng death threats mula sa mga manonood na apektado ng kanyang karakter bilang kontrabida sa teleseryeng ‘Cruz vs Cruz.’
“Parang may death threat na nga. May mga nagsasabi na sana mamatay ako sa totoong buhay dahil sa karakter ko,” pag-amin pa ni Gladys.