Advertisers

Advertisers

ARNOLD SUNUD-SUNOD ANG PAGTANGGAP NG AWARD

0 50

Advertisers

Ni Beth Gelena

May panibago na namang na-achieve si Arnold Reyes sa kanyang karera as an actor.

Kamakailan ay siya ang nagwagi sa award giving body na Gawad Tanglaw 2025.

Natutuwa siya dahil muling kinilala ang kanyang galing bilang Best Supporting Actor para sa seryeng My Guardian Angel.

Naniniwala ang award-winning actor na hindi namamana ang ang pagiging aktor kundi nasa isang tao talaga kung may dedikasyon sa pag-arte.

Aniya, “It’s a talent that you develop through the years. It’s a product of hard work and years of experience.”

Hirit pa niya, malaking bagay din daw ang mga naging karanasan niya para magamit niya sa roles na ginagampanan.

Dagdag pa niya, ‘Iyong real-life experiences mo, puwede mong paghugutan sa roles na ipino-portray mo,” bulalas niya. “Sa kaso ko, nagagamit ko siyang peg. Kapag naman di ka pamilyar sa role, puede mong maging inspirasyon iyong mga kuwento ng mga kaibigan o kakilala mo.”

Matagal na ring nag-aartista, pero tila ngayon lang nabibigyang pansin ang husay niya sa pag-arte.

“It’s such an honor for me to be recognized as an actor. It’s an added bonus for my craft.”

“Actually, espesyal din sa akin ang award na ito dahil it comes from a group of academicians and I am really thankful for that.”

Ngayon ay sunud-sunod ang paggawa ng teleserye ni Arnold.

Katatapos lang niya sa pagganap bilang kontrabida sa Kapuso seryeng Akusada.

“I’m quite flattered by the feedbacks. Nakatataba siya ng puso at nagiging inspirasyon ko para pagbutihan pa ang aking trabaho,” pagtatapos ng award-winning actor.