Advertisers
Pormal nang pinasinayan ang gusali ng Racal Foundation Community Pharmacy sa Brgy, Sta. Clara sa bayan ng Sta. Maria kung nagkaroon ng Blessing & Ribbon Cutting Ceremony sa lugar.
Pinangunahan ni Mr.Trabaho Jad Racal ang pagpapasinaya, kasama sina Kuya NP Ronald delo Santos, dating Municipal Councilor Roger Barcial, mga kinatawan ng Pamahalaang bayan, at mga barangay Kapitan.
Nasa higit isang daang residente mula sa ibat-ibang barangay ang unang benepisyaryo ng libreng gamot.
Ayon kay Jad, may temang (Gamot mo Sagot ko! Kalusugan mo Aalagaan ko!) sa ilalim ito ng Racal Quick Response Foundation Inc. Na bukas sa publiko mula sa araw ng Lunes hanggang Sabado alas – 8:00 ng umaga hanggang alas – 5:00 ng hapon.
Aniya, basta may riseta ng doktor, maaring mabigyan at makatanggap ng libreng gamot mula sa Pharmacy ng Racal Foundation.
Dagdag pa ng batang Racal, na plano nang kanilang pamilya na magkaroon ng karadagang Pharmacy sa iba pang mga bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Layon nitong makatulong sa mga bulakenyong tunay na nangangailangan partikular ang mga may problema sa kalusugan.
Tiniyak rin Jad, na welcome sa Racal Foundation ang pagtanggap sa sinumang nangangailangan ng tulong pangkalusugan para sa bata at mga may edad. (Thony D. Arcenal)