Advertisers
Arestado ang limang katao sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa bayan ng Marilao, San Miguel at Paombong Bulacan.
Sa report ni Lt.Col. Kuya Jordan Santiago ng Marilao Police Station, kay PNP Provincial Director PCol.Angel Garcillano, kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Butyok at alyas Sarah kapwa nasa hustong gulang, ng Brgy. Abangan Norte ganap 11:15 ng gabi Disyembre 27 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 3 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00
Samantala, arestado rin via buy bust operation ang 3 katao na nakilalang sina alyas Tikboy, alyas Archie at alyas Daks, mula sa bayan ng San Miguel at Paombong, kung saan nakumpiska sa kanila ang 7 plastic sachet nf hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P61,200,00 at buy bust money.
Nabatid na kapwa sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga ang mga nadakip na suspek.
Kaugnay nito’y mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kasalukuyang nakakulong sa mga Municipal Jail.
(Thony D.Arcenal)