Advertisers
Patuloy na ginagampanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang trabaho at maayos na ang kanyang kalagayan matapos sumailalim sa precautionary medical observation nitong Miyerkules ng gabi dahil sa nakaramdam ng discomfort.
Ayon sa pahayag ng Palasyo, pinayuhan ng mga doktor ang Pangulo na magpahinga at sumailalim sa monitoring bilang pag-iingat, ngunit nananatiling stable ang kanyang kondisyon.
Sa kabila nito, nilinaw ng Palasyo na hindi nahinto ang paggampan ng Pangulo sa kanyang mga tungkulin bilang Punong eEhekutibo at agad din itong bumalik sa Malakanyang matapos ang obserbasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na patuloy ang pagtatrabaho ng Pangulo hanggang gabi bago makaramdam ng pagod, subalit kinumpirma ng kanyang mga doktor sa St. Luke’s Medical Center-QC na wala itong seryosong kondisyon at kaya niyang ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
Tiniyak din ni Castro na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil maayos ang kalusugan ng Pangulo at tuloy ang mga naka-iskedyul nitong aktibidad, kabilang ang mga pulong at koordinasyon sa mga opisyal ng pamahalaan. (Gilbert Perdez)