Advertisers
Ni Favatinni San
HINDI tinatago nina Ricci Rivero at Juliana Gomez ang kanilang relasyon.
Noong napansin ng mga netizen na sumuporta si Ricci kay Juliana sa Bangkok, Thailand kung saan sumali sa sports competition sa fencing ng Southeast Asian Games.
Sa ating bansa, sabay silang namamasyal sa isang mall.
Eto, piyesta galore ang mga marites sa socmed, nilait nila si Ricci at may mensahe na lolokohin nito ang unica hija ni Cong. Richard Gomez at Mayora Lucy.
“Ginawa na ni Ricci kay Andrea Brillantes na pinaibig pero ginawa pang lokohin. Nabuking na nagdala ng babae sa condo nito.
Tapos nakipagrelasyon din sa isang beauty queen turned politician na si Leren Bautista,” aniya ng isang gay hairdresser.
“Ginamit lang ni Ricci si Leren. Pinaasa na siya talaga ang mahal. Two timer at user ‘yang basketball player na ‘yan,” sabi ng fan ni Andrea B.
Naku, deadma lang ang parents ni Juliana, e ano kaya saloobin ni Juliana sa negatibong comment sa boyfriend.
Hmmp, tatagal kaya ang relasyon ng dalawa?
Tutukan natin.
JOJO MENDEZ TULOY ANG CONTEST SA FB
NAKU, madali lang magkapera, sa pagtutok sa FB Live ni JOJO MENDREZ.
Magbibigay siya ng go signal para tumawag ang mga viewers.
Magbigay ng tatlong numero… mula 1 to 50. Bubuksan ni Jojo ang gintong sobre at kung sa tatlong numero mo siya swak as tama sa numero sa sobre may instant P5K. Pwede ka rin mag-win ng P25K kapag nasagot mo tanong niya.
Yes, sharing galore ng cash money ang Revival King na tagumpay ang Christmas song niya na “Ngayon Pasko’y, Ikaw Pa Rin.”
Namahagi rin siya ng P200K sa mga winners na nagpadala ng video para sa acting challenge.
Samantala, tuloy ang pag-revive ng awiting Yakap. Napakikinggan pa rin sa radio at iba pang digital platform ang “Somewhere In My Past.”