Advertisers

Advertisers

DepEd, kumambyo sa planong pagpapatupad ng Trimester System

0 28

Advertisers

KLINARO ng Department of Education (DepEd) na pinag-aaralan pa ang panukalang magpatupad ng trimester system, kasabay ng pagkilala sa alalahanin ng mga mambabatas, mga guro, at iba pang education stakeholders.

Ayon sa DepEd, wala pang pinal na desisyon sa panukalang pagbabago ng academic calendar at kasalukuyan pa ang mga konsultasyon.

Ginawa ng DepEd ang paglilinaw sa gitna ng mga katanungan mula sa mga mambabatas at educators kung paano makakaapekto ang trimester system sa kakulangan ng mga silid-aralan, workload ng mga guro, at kahandaan para ito ay maayos na maipatupad.



Pahayag ng DepEd, ang layunin ng panukala ay para suportahan ang mas malawak na reporma sa edukasyon para gawing simple ang pagpaplano, at mapabuti ang paggamit ng instructional time, at mabawasan ang workload pressures ng mga guro.

Iginiit ng ahensiya na ang pagbabago sa academic structures ay para sa pagpapalakas ng pagtuturo habang pinapaganda ang working conditions ng mga educator.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">