Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Binasag ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang kanyang katahimikan tungkol sa pinag-uusapang isyu ng road-rage incident na kinasasangkutan diumano nila ng presidential son na si Vinny Marcos.
“Yung sinasabing road rage ay malinaw nang nagpahayag ang Malacañang tungkol dito at ang LTO. Okay na po yan.
“Sa puntong ito, higit sa anupaman na negatibong balita na nagkalat sa social media, ang mas mahalaga sa akin ay ang inyong pagtitiwala at pagkilala sa aking pagkatao.
“Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at pagmamahal.
“Salamat po at binigyan ninyo ng pagpapahalaga ang mahabang panahon ng aking tahimik na paglilingkod, lalo na po sa mga kapus-palad,” pahayag ng Gobernador sa first day ng flag-raising ceremony nitong Mrach 2, Lunes sa Malolos, Bulacan.
Pagpapatuloy pa niya…
“Hindi man po perpekto si Daniel Fernando, si Daniel Fernando po ay hindi perpekto, pero pinagsisikapan ko pong huwag magmalabis sa ating mga kababayan at kapwa-Pilipino.
“Para naman po sa ibang hindi nakakakilala sa akin at hindi pa nakikipag-ugnayan sa inyong abang lingkod, sana ay magkaroon ng pagkakataon na tayo ay lubusang magkakilala para sa lalong ikabubuti ng paglilingkod sa ating mga kababayan, lalo po ngayong naggigiyera sa Middle East.
“Dun sa mga namba-bash sa atin, please, nakikiusap po ako sa inyo, gawin po nating makabuluhan ang social media.
“Panahon na po para tayo ay manalangin sa Panginoon nang mas malalim sapagkat hindi po natin alam ano ang meaning ng digmaang ito.
“Pinipili ko pong manatiling kalmado, magpakumbaba, at manatiling nakatuon sa aking sinumpaang tungkulin na maglingkod sa ating mga kalalawigan.
“Sapagkat ang ating motto, ‘Ang Diyos ang ating sandigan at ang Mahal na Birhen ang aking sandalan.’
“Pasensya na po kayo naging emosyonal ako. “Hindi naman po talaga ako emotional.
“Mapagbiro po talaga ako, di ba? Ngayon lang po yan.
“Basta tayo, tuluy-tuloy po ang ating paglilingkod, tapos na po yan.”
Binanggit rin ni Gov. Daniel ang tungkol sa bukol niya sa noo na inaakala ng iba na bunga ng diumano’y pambugbog sa kanya.
“Ito po kasi lymphoma. Paano ba operahan ito?
“Sabi ko na lang third eye, X-ray machine,” pagbibiro pa ng magiting na Gobernador.