Advertisers

Advertisers

VICE GOV. ALEX CASTRO DATING HINDI FAN NG SEXBOMB

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

Kaaliw palang kausap si Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Palibhasa sanay na sa showbiz kaya alam niya kung papano pasasayahin ang ilang entertainment press na nakapalibot sa kanya.

Pero, kahit showbiz talks ang usapan ay may thoughts ang mga sagot ni Vice Gov.

Syempre pa, bilang mister ni Sunshine Garcia, ang tungkol muna sa dancing concert ng SexBomb ang isa mga katanungan na tinanong sa kanya.

Ani Vice Gov: “Sa totoo lang una hindi ako fan ng Sexbomb kahit mag girlfriend boyfriend na kami ni Sunahine. That time noon sikat na sikat na sila. Magkaiba kasi kami ng hilig… Ako tutok sa pag-aaral ay sila naman ng SexBomb maraming kaganapan kaliwa’t kanan.’

Kaya nung mapanood ko ang Sexbomb Concert nila bilang asawa siyempre sinuportahan ko siya. Super akong nag-eenjoy sa kanilang show. Panay ang kuha ko ng picture sa kanila doon ko nakita na talagang gustung gusto sila ng manonood. Mula nang mapanood ko ang Rawn 1 hanggang sa Rawnd 5, hindi ako nagsawang panoorin sila. Since then naging number one fan na nila ako.”

Dahil naging busy na si Sunshine may panahon pa ba ngayon si Shine sa family?

“Oo naman, hindi naman niya napapabayaan ang family. Hands on siya. Pero, pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang journey. Hindi ko aalisin sa kanya iyun dahil yun ang passion niya at sinusuportahan ko siya. Give and take naman kami e, kasi nung time na kailangan ko siya, andyan siya palagi.”

May bulung-bulungan na hinihimok si Sunshine na tumakbo bilang mayora sa isang bayan ng Malolos.

Pagkakaroon ni Vice Gov., totoo yan, pero sa totoo lang against kasi ako sa anti political dynasty.

Nakarating kasi ako sa politika nang ako lang, wala akong kamag-anak.

“Una akong naging SK then naging konsehal at naging Bocal din. Kaya ako napunta ngayon sa posisyon kong ito ay dahil kay Governor Daniel Fernando. Lumapit siya sa akin kung gusto ko raw na maging bise niya bilang gobernador. Flattered ako dahil pinagkatiwalaan niya ako.”

Aniya, maging ang anak daw niya ay kinukuha na maging SK, pero hindi siya pumayag tulad ng kay Sunshine. Tama na raw na ang isa sa kanila ang nasa politika.”

Natanong tuloy kung ilang taon na ang panganay ng aktor-politiko at ilang ang anak nila ni Sunshine.

Aniya, “lima ang anak ko. ‘Bakit po lima vice? E di po ba seven years pa lang kayong kasal ni Sunshine?’ ”

Sagot ni Vice Gov: “may 20 years old na akong anak na lalaki, si Shine naman may isa ring anak kaya swak kaming dalawa. Tatlo naman anak namin ni Shine.”

Anyway, binanggit ni Vice Gov na guest siya sa Fast Talk With Boy Abunda. (The following day, Tuesday, monday kasi namin nakapanayam ang bise.)

Tuloy may nagtanong ng lights on, lights off?

Game na sumagot si Vice Alex, “din.’

Why po dim vice, ” Kasi gusto ko may maaninag pa ako,” nagtapos ang aming pakikipag-usap sa kanya na nagtatawanan ang lahat.

O, di ba game talaga si Vice Gov.