Advertisers

Advertisers

Crackdown sa illegal gambling, smuggling at oil pilferage sa CALABARZON, pinaigting ng PRO4A

0 51

Advertisers

MAS paiigtingin pa umano ng Police Regional Office CALABARZON (PRO4A) ang kampanya laban sa illegal gambling, smuggling, at oil pilferage sa buong Region 4A sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Hansel M. Marantan. Layunin nitong durugin ang mga organisadong grupo at maprotektahan ang ekonomiya sa nasabing rehíyon matapos ipahayag ni Acting Regional Director PBGen Hansel Marantan ang tuloy tuloy na kampanya laban sa mga iligal na aktibidad

Ayon sa ulat, nagkaroon na ng mga positibong resulta ang kanilang mga naunang operasyon tulad ng pagbawas ng ilegal na sugal sa mga urban at inland areas, paghina ng smuggling sa mga baybaying lugar, at pagpigil sa ilegal na pagkuha ng langis na nakaaapekto sa kita ng gobyerno at kaligtasan ng publiko.

Ayon kay General Marantan, bahagi ang mga operasyong ito ng pangmatagalang kampanya na nakatuon sa intelligence-driven operations, pakikipagtulungan sa ibang ahensya, at pinaigting na presensya ng pulisya sa mga kritikal na lugar.

Iginiit ni Marantan na tuloy-tuloy at walang humpay ang kanilang operasyon sa natitirang apat na buwan ng kanyang termino upang tuluyang masugpo ang mga nasabing ilegal na aktibidad.

Hinimok din opisyal ang publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang impormasyon kaugnay ng mga krimeng ito, kasabay ng pagtitiyak ng PRO4A na ang lahat ng operasyon ay sumusunod sa batas at gumagalang sa karapatang pantao.

Ayon naman sa mga mapagkakatiwalaang importante napapanahon na umanong alamin at imbestigahan din ni General Marantan ang mga personalidad na matagal ng naririnig na protektor at tumatayong kolektor di umano ng ilan mga police officials sa Calabarzon pag dating sa mga illegal activities tulad umano nina alyas “Momo” ng CIDG Batangas, Sgt. Hayag Ret. Lt. Atas, Alyas “Hero” sa lalawigan ng Cavite at alyas “Jojo Sagpao” na nagpapakilalang kolektor di umano sa opisina ng PRO 4A Calabarzon at sina alyas “Jojo” at “Bacon” di umano sa CIDG Calabarzon. (Koi Laura)