Advertisers

Advertisers

2 sa 4 sangkot sa ‘sipsip diesel’ sa QC sumuko

0 16

Advertisers

SUMUKO ang dalawa sa apat na salarin sa sipsip diesel modus sa Barangay Fairview, Quezon City noong March 31.
Kinilala ang mga smuko na sina alias “Ezekiel”, 26 anyos, mula sa Brgy. Payatas, Quezon City; at alias “Benjie”, 26, mula sa Brgy. Commonwealth, Quezon City; na umaming nagawa nila ang krimen dahil natalo sila sa sugal.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), lumalabas na aabot sa 60 litro ng diesel ang nakuha ng mga ito, na nagkakahalaga ng P7,080.
Nadiskubre rin ng mga awtoridad na ibinenta ng mga salarin ang naturang diesel sa mga jeepney driver sa Litex Area sa halagang P3,500 pasado 3:00 ng umaga sa parehong araw ng krimen.
Sa ngayon, pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawa pa nilang kasama na kinilalang sina alias Albert, 32, na siyang nanipsip ng naturang diesel mula sa nakaparadang elf truck sa Corvette Street; at si alias Bimbo, 19, na parehong residente ng Barangay Commonwealth.
Sasampahan ng reklamong ‘theft’ ng QCPD ang dalawang sumukong magnanakaw, maging ang dalawang pinaghahanap pa sa Quezon City Prosecutor’s Office.