Advertisers
Ni Anne Venancio
Nanawagan si dating Miss Universe Philippines Michelle Dee para sa mas pinalakas na suporta ng pamahalaan para sa mga indibidwal na may Autism Spectrum Disorder (ASD).
Iginiit ni Michelle ang pangangailangan ng mas maayos na sistema para sa edukasyon, kalusugan, at pinansyal na tulong para sa mga pamilyang may miyembrong nasa autism spectrum, batay sa kanyang personal na karanasan bilang kapatid ng mga apektado ng kondisyon.
Nakikipagtulungan si Michelle sa Autism Society Philippines (ASP) para itulak ang Senate Bill 1822 o National Autism Care Plan na layuning magtatag ng komprehensibong balangkas ng suporta ng gobyerno.
Nanawagan siya sa mga mambabatas na agarang ipasa ang panukala upang maging bahagi ng sistema ng serbisyo ng estado.
Samantala, nakatakda ang Angels Walk for Autism sa Abril 26 sa SM Mall of Asia Arena.