Advertisers
TIMBOG sa mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang halagang P2-milyon ng illegal na petroleum product sa Patiis Road, Brgy., Malanday, San Mateo Rizal.
Sa ulat na tinanggap ni PNP-HPG director P/BGen. Rommel Batangan, dakong 3:45 ng madaling araw ng matimbog ang P15,000 litro ng undocumented petroleum product na sanhi ng umano’y economic sabotage sa bansa.
Sinabi ni PNP-HPG Spokesperson P/Lt. Nadame Malang sa pulong balitaan sa Kampo Krame, 2 suspek ang naaresto ng mga tauhan ng Highway Patrol Group sa lugar.
Bukod sa drum-drum na krudo (PAIHI) at tanker na walang mga kaukulang dokumento, nakumpiska din ng awtoridad ang mga hose pump.
Bumulaga sa mga awtoridad ang storage compound o imbakan ng illegal na PAIHI matapos na masita ang isang van na sira ang ilaw sa harapan na nakitang may tagas ng diesel.
Wala namang naipakitang lisensya ang driver at wala ring kaukulang dokumento ang sasakyan.
Natunton ang compound ng susugin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group ang pinagmulan ng van at dito natuklasan ang nagsisilbing drop-off at pick-up point ng mga fuel tanker na gamit sa illegal na operasyon kg PAIHI.
Hindi naman tinukoy ng awtoridad kung sino ang may-ari ng garapalang illegal na operasyon ng PAIHI sa lugar.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa BP-33 o illegal trading at profiteering ng produktong petrolyo at RA-4136 o Land Transportation and Traffic Code. (Edwin Moreno)