Advertisers

Advertisers

Kalookan kontra-krisis: May bigas, may diskwento, may trabaho para sa drayber

0 2

Advertisers

Pinangunahan ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang pangalawang inter-agency meeting ng binuong task force na tumututok sa energy at fuel conservation measures ng lungsod upang alamin ang estado ng mga programa sa gitna ng pangmalawakang krisis.
“Malugod ko pong ibinabalita na dahil sa ating mga pagsisikap, libo-libo ang natipid ng munisipyo sa kuryente at krudo noong buwan ng Marso,” pahayag ni Mayor Along.
“Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng ating mga kawani, hindi rin nagtaas ang presyo ng mga produkto sa mga palengke o gas station, at walang naibalitang insidente ng fuel hoarding sa ating lungsod.”
Ilan pa sa mga tinalakay sa naturang pagpupulong ang mga sumusunod: Posibilidad ng pagpapatupad ng hybrid arrangement para sa summer classes at online classes sa pasukan; Pamamahagi ng bigas para sa mga nangangailangan kada buwan mula May hanggang December 2026; Paglulunsad ng programang Agapay sa Manggagawa para sa PUJ drivers, kung saan sila ay magkakaroon ng tiyak na kita sa pamamahagi ng libreng sakay sa mga mamamayan; at pagbibigay ng discount sa gasolina para sa PUJ drivers
“Mga Batang Kankaloo, asahan niyo po na tuloy-tuloy na pinag-aaralan at sinusuri ng inyong pamahalaang lungsod ang iba’t-ibang mga paraan at solusyon upang maibsan ang hirap ng ating pamayanan sa gitna ng krisis na ito,” wika pa ni Malapitan. (BR)