Advertisers

Advertisers

10 terorista todas sa bakbakan sa Lanao Sur

0 4

Advertisers

TODAS ang sampung miyembro ng Dawlah Islamiya–Maute Group sa isinagawang operasyon ng Joint Task Force Zampelan sa Lanao del Sur nitong Abril 17, 2026.
Ayon sa militar, pinangunahan ang operasyon ng 103rd Infantry (Haribon) Brigade ng Philippine Army, katuwang ang iba pang security forces kabilang ang CIDG, RSOT, at mga awtoridad ng BARMM.
Iniugnay ang mga napatay sa pananambang sa Munai, Lanao del Norte noong Enero 23, 2026, kungsaan apat na sundalo ang nasawi at isa ang sugatan.
Sa ulat, kabilang sa mga napatay ang isang mataas na lider ng grupo.
Wala namang naiulat na casualty sa panig ng pamahalaan.
Narekober sa lugar ng engkwentro ang ilang baril, isang improvised explosive device (IED), at mga materyales na ginagamit sa paggawa ng pampasabog.
Isang sanggol ang ligtas na nasagip sa operasyon at agad na nabigyan ng medikal na atensyon.
Ayon kay Brig. General Billy Dela Rosa, malaking dagok ito sa operasyon ng Maute Group.
(Mark Obleada)