Advertisers

Advertisers

LTO nagbigay ng 3 buwang extension para sa lisensya at rehistro

0 8

Advertisers

INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong buwang extension para sa lahat ng mga lisensya ng driver at magre-rehistro ng sasakyan na nakatakdang mag-expire, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa LTO, saklaw ng hakbang ang mga dokumentong mag-e-expire simula Abril 2026, kung saan maaari itong i-extend ng hanggang tatlong buwan nang walang multa o penalty.

Layunin ng polisiya na mabigyan ng ginhawa ang publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang pangunahing bilihin.



Saklaw ng extension ang driver’s at conductor’s licenses, student driver’s permits, at rehistro para sa mga sasakyan.

Sinabi pa ng LTO, sa loob ng extended period hindi rin sisingilin ng karagdagang bayarin ang mga motorista para sa late renewal.



Giit ng ahensya, ang hakbang ay para mabawasan ang pasanin ng publiko at mabigyan ng sapat na panahon upang makapag-renew ng kanilang mga dokumento nang hindi naaapektuhan ng karagdagang gastos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">