Advertisers

Advertisers

SEN. ROBIN UMAMING PINAGTAGO SI SEN. BATO

0 5

Advertisers

Ni Beth Gelena

Binatikos ng netizens si Senador Robin Padilla dahil sa kamakailang pahayag nito.

Sinabi ni Sen. Robin sa isang panayam na kabilang siya sa mga taong nagsabi kay Sen. Bato dela Rosa na magtago.

Aniya, “Si Senador Bato ay pinagtatago pa namin.”

Si Dela Rosa ay matagal nang hindi uma-attend ng kanilang session sa Senado.

Ang pagliban ni Dela Rosa sa Senado ay bunsod ng warrant of arrest na inilabas laban sa kanya, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa extra judicial killings noong panahon ng giyera kontra droga na ipinatupad ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Dutete.

Ang Senador ang may pinakamaraming araw na lumiban sa mga Sesyon ng Senado.

Ang lalong ikinagagalit ng kanyang mga kritiko ay ang patuloy niyang pagtanggap ng suweldo kahit na hindi niya nagagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang senador.

Noong nakaraang Linggo, kasabay ng anunsyo na si Mayor Baste Duterte ng Davao City ang bagong pangulo ng PDP-Laban, nabuo ang Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition.

Sa panayam ng Kasangga Mo Ang Langit, na pinangungunahan ng beteranong broadcaster na si Rey Langit, noong Abril 15, tinanong si Sen Robin Padilla tungkol sa RAGE Coalition.

Sinabi ng senador na ito ay pinasimulan ni Congressman Bebot Alvarez, kabilang ang grupo ni Atty. Vic Rodriguez, na dating Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ipinaliwanag din ni Padilla na ang koalisyon ay isang kilusang pampulitika na naglalayong tugunan ang korapsyon.

Pagkatapos, ipinahayag ng aktor na naging pulitiko na siya at si Sen. Bong Go ay lubos na sumusuporta kay Mayor Baste Duterte. Dagdag pa ni Padilla na dapat silang tatlo, kasama na si Sen. Bato dela Rosa, ngunit sinabihan nila siyang magtago muna.

“Kami ni Senador Bong Go ay nakasuporta kay Mayor Baste. Nagkataon lamang na si Senador Bato ay pinagtatago pa namin. Kami ang nagsabi na iwas muna siya lumabas, kaya wala siya doon,” pag-amin ni Sen. Robin.