Advertisers
NAGSAMPA ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa misis at anak ni dating Congressman Mike Defensor sa Pasig City Prosecutor’s Office.
Ito ang kinumpirma ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, na reklamong paglabag sa ‘Anti-Trafficking in Person Act’ ang inihain nila laban kina Julie Rose Defensor, Miguel Gabriel Defensor at iba pa.
Kasunod ito ng pagsalakay ng NBI sa isang disco bar kungsaan nasagip ang 54 kababaihang biktima.
Sa report ng bureau, ginagawa silang ‘customer care assistants ’ para sa sexual exploitation kapalit ng mula P10,000 hanggang P20,000 na bayad.
Nangyayari umano ang aktwal na exploitation sa mga kuwarto ng isang hotel na pagmamay-ari ng kumpanyang pinamamahalaan ng mag-inang Defensor.
Natuklasan din ng NBI ang umano’y paggamit ng ilegal na droga pati pang-pregnancy test sa establisyimento.
Dumistansiya naman si Mike Defensor sa isyu na kinakaharap ng kanyang kanyang mag-ina.