Advertisers

Advertisers

Hamon ni Mike Tyson tinanggap ni Roy Jones

0 279

Advertisers

INAMIN ni four-­division world champion Roy Jones Jr., na hindi agad siya tumanggi nang ialok sa kaniya na labanan si dating heavyweight world champion Mike Tyson.
Sinabi ng 51-anyos, mahirap tanggihan at imposible pa na tumanggi ang sinumang boksingero na iharap sa kaniya ang 54-anyos na si Tyson.
Dagdag pa nito, mata­gal na niyang pinangarap na muling makaharap ang retired boxing icon champion.
Huling lumaban kasi si Jones ay noon pang 2003 ng talunin niya si John Ruiz.
Maghaharap ang dala­wang boksingero sa darating na Setyembre 12 sa California sa isang exhibition match.