Advertisers

Advertisers

Alitan nina Isabelle Daza at Cristine Reyes nabunyag sa podcast

0 5

Advertisers

Ni Anne Venancio

INAMIN nina Isabelle Daza at Cristine Reyes sa “The Sexytime Podcast” kasama si Ava Daza na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan habang ginagawa ang teleseryeng Tubig at Langis.

Ayon sa dalawa, nagsimula ang tensyon sa set dahil sa pagod sa trabaho, personal na pinagdaraanan, at kakulangan sa komunikasyon.

Paliwanag ni Cristine, wala siya sa tamang kondisyon noon. “Parang feeling ko that time hindi pa ako ready mag-work pero I can’t say no,” aniya.

Samantala, inamin ni Isabelle na naging masyadong makatotohanan ang kanilang mga eksenang pisikal tulad ng sampalan. “Ang mga scenes na she had to slap me, and I had to slap her… it’s getting quite heated,” pahayag niya.

Ipinunto rin ni Cristine na inaasahan niyang magiging friendly si Isabelle sa set ngunit hindi ito nangyari sa simula.

Katwiran naman ni Isabelle, hindi niya namalayan ang inaasahang pakikitungo. “I wasn’t aware of that… hindi ako sanay to come on the set and greet everyone,” aniya.

Sa kabila ng tensyon noon, sinabi ng dalawa na nagkaayos din sila makalipas ang ilang taon.

“We really reconciled years later,” ani Isabelle.