Advertisers

Advertisers

Nadine Samonte walang pake kahit iniintriga ang pagla-live selling, nilunsad ang wellness brand na ‘Anaiah’

0 6

Advertisers

Ni Anne Venancio

Inilunsad ng aktres at negosyanteng si Nadine Samonte ang kanyang wellness brand na Anaiah na binubuo ng limang supplement capsules—multivitamins, glutathione, collagen placenta, sodium ascorbate, at melatonin kasama rin ang dalawang coffee variants at tatlong juice blends.

Ayon kay Nadine, “Anaiah is very close to my heart. It represents the woman I have become after everything I’ve been through. Every challenge, every blessing, and every season of my life led me here.”

Ang pangalang Anaiah ay hango sa konseptong “God’s answered prayer.” “There was a time I was told I might have difficulty having children. But today, I am a mother of three beautiful children. Anaiah reminds me that everything I have now is a blessing,” paliwanag nito.

Aminado ang aktres na ang pagiging ina sa tatlong anak nila ng mister na si Richard Chua ang nagsilbing inspirasyon niya upang mas tutukan ang kalusugan at pangmatagalang wellness.

Bago ang Anaiah, sumabak din si Nadine sa live selling noong panahon ng pandemic kung saan nagbenta siya ng tuyo at danggit. Aminado ito na naranasan niyang husgahan pero giit ng aktres, hindi siya apektado dahil marangal ito na ang trabaho at source of income rin.

“People may have their opinions, but for me, as long as you are working honestly, there is nothing to be ashamed of,” giit niya.

Ang karanasang iyon umano ang nag-udyok sa kanya na buuin ang Anaiah brand. “Anaiah is about encouraging people to choose themselves too. Self-care is not selfish—it is necessary.”

Tiniyak ni Nadine Samonte na ang mga produkto ng Anaiah ay dumaan sa tamang regulatory approval upang matiyak ang kaligtasan ng mga konsyumer. Plano rin niyang ilagay ang mga produkto sa mga retail stores at iba pang outlets upang mas maging accessible sa publiko.