Advertisers
SINIB AK sa serbiyo ng National Police Commission (Napolocom ) ang isang Pulis Maynila nang mapatunyan ‘guilty’ sa pag-rape sa isang babae walang malay sa isang motel sa Maynila.
Sa ipinalabas na desisyon ng Commission En Banc, si-nabi ni Napolocom Commissioner Ralph Calinisan na napatunayang ‘guilty’, “administratively liable” sa kasong Grave Misconduct and Conduct Unbecoming of a Police Officer si Patrolman Joshua S. Mendoza.
Base ang desisyon sa mga matitibay na ebidensiya ng testimonya ng biktima, mga kuha ng CCTV footage, medico-legal finding at mga testimonya ng mga saksi.
“The Commission ruled that Mendoza committed acts constituting sexual violence against a victim who was unconscious and incapable of giving consent, a clear violation of Republic Act No. 8353 or the Anti-Rape Law of 1997,” diin ni Calinisan.
Sinabi ni Calinisan na binigyaan-diin ng Commission na lantarang paglabag sa batas at kawalang integridad ang ginawang aksyon ni Mendoza kaya’t hindi ito karapat-dapat manatili sa police service.
Samantala, pinawalang-sala ng Commission si Patrolman Jehan A. Mendoza na kabilang sa mga kinasuhan dahil sa kawalan ng mga sapat na mga ebidensiya magdiin sa huli.
Iniharap ang kaso ng “complainant”na kinilala sa alias “Anna” laban kay Mendoza noong January sa Napolcom.
Sa reklamo, nawalan siya ng malay sa hinalang may inilagay sa kanyang inumin at nagising nalang na nasa loob na siya ng motel kungsaan naganap ang sexual assault. Matapos ang insidente hindi na nagpakita ang pulis at idineklarang AWOL sa MPD. (Jocelyn Domenden/Mark Obleada)