Advertisers

Advertisers

ANG DATING TAHIMIK NA MINDORO, NAGING NOTURYOS NA PROBINSYA DAHIL SA NAGLIPANANG SUGAL AT DROGA?

0 16

Advertisers

PATULOY na nakakatanggap ng sumbong ang pitak na ito tungkol sa mga sugal lupa na pinag-piyestahan gabi-gabi ng mga adik at sugarol maging ng mga kabataan sa lalawigan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Nangunguna rito ang sugal sa Perya tulad ng “color games, baklay, at drop ball (pingpong) baraha” maging ang STL bookies cum jueteng na lantad ang operasyon sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, Bongabong, Pola, Gloria, Socorro, Roxas, Pinamalayan, Bansud, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro kung saan matatagpuan ang Camp Efigenio Navarro ang punong tanggapan ng PNP regional director.

Sumbong nila, napaka untouchable ang “gambling operation” gabi-gabi ang pinagpupuyatan ng mga sugarol, at adik maging ng mga kabataan na bukod sa madalas umano ang kaguluhan sobrang perwisyo ang ingay sa mga residenteng mahimbing na natutulog sa gabi.

Bukod sa pustahan ng pera, hinala nila na may shabu din na ipinupusta dahil ayon sa mga nagrereklamo madalas nilang naispatan ang presensya ng mga kilalang tulak ng droga na naka tambay umano gabi-gabi sa mga peryahan.

Hinala ng nagsumbong sa akin, may mga pulis din na sumasawsaw sa mga ilegal na sugal at pagtutulak ng droga.
Ilang beses na nating tinalakay ang reklamong ito subalit walang naging aksyon dito si Oriental Mindoro PNP Provincial Director PCol Edison Revita at PRO4B Regional Director PBGen. Jovencio Badua sa hindi natin malamang kadahilanan.

Ano kaya ang dahilan ng pananahimik at pagsasawalangkibo ni Col Revita at Gen. Badua laban sa iligal na sugal maging ng droga na talamak sa naturang probinsya.

Sunod-sunod na rin ang patayan, nakawan, at mga naarestong indibidwal na nagtutulak ng droga.

Matatandaan na naka diskubre ang 76 IB 203rd Brigade ng Philippine Army ng 2.2 toneladang hinihinalang shabu sa isang speed boat na sumadsad sa tabing dagat ng Barangay Harrison, Paluan Occidental Mindoro at Shabu lab na nadiskubre sa Puerto Galera Oriental Mindoro.

Sinabi ng mga taga Mindoro na naging entry at exit point nanga ang kanilang probinsya sa kalakalan ng iligal na droga at lantad na mga sugalan ang dating tahimik na probinsya.

Samantala ayon naman sa source patuloy umano ang pangongokolekta ng “goodwill’ nina alyas Sgt Manalo, Sgt. Raymond, Sgt. Leynes at Sgt. Nonoy gamit umano ang pangalan ng mga nabanggit na police officials maging ang bagong talagang CIDG Director PMGen Alexander Morico?

Ang tanong, alam kaya ng butihing Police Major General Morico na kinakaladkad ang malinis niyang pangalan sa iligal na sugal?

Tutukan natin!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com