Advertisers
INAASAHANG magkakaroon muli ng bigtime rollback sa presyo diesel sa susunod na linggo.
Ito ay batay sa resulta ng apat na araw ng trading sa global oil market.
Sa initial forecast, maaaring magkaroon ng rollback na P6 hanggang P8 ang kada litro ng diesel.
Kabaligtaran naman sa gasolina na posibleng tataas ng P1 hanggang P4 kada litro.
Karaniwang inaanunsyo ng mga lokal na kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinatutupad ito kinabukasan ng Martes.