Advertisers

Advertisers

Lumalalim na “Solid North Racket Alliance” sa DOH, pinaiimbestigahan

0 6

Advertisers

Lumalakas ngayon ang panawagan mula sa ilang medical personnel at insiders mula sa mga pampublikong ospital sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera para sa agarang imbestigasyon sa umano’y umiiral na “network ng impluwensya” sa loob ng Department of Health (DOH) na konektado umano sa appointments, infrastructure projects, at procurement deals sa Northern Luzon.
Sa serye ng impormasyong ibinahagi ng mga nagpakilalang doctors, nurses, at administrative personnel, inilarawan nila ang umano’y operasyon bilang isang “Solid North Racket Alliance” o isang sistemang gumagamit umano ng political at bureaucratic influence upang kontrolin ang paglalagay ng mga medical chief at pagpasok ng contractors at suppliers sa mga regional hospitals.
Ayon sa mga source, sentro umano ng mga alegasyon ang dalawang Undersecretary na umano’y may malaking impluwensya sa Health Facilities Enhancement Program at Promotion and Selection Board ng DOH.
Ang umano’y modus ay nagsisimula sa paglalagay ng mga “trusted” o malalapit na opisyal bilang medical chief o officer-in-charge sa strategic hospitals sa Northern Luzon.
Kapag nailuklok na umano ang isang opisyal, doon umano nagsisimula ang pressure at “utang na loob system” na kalauna’y nagagamit upang impluwensyahan ang procurement, infrastructure, at supply contracts sa ospital.
Isa sa mga binanggit ng mga source ang inupong Officer-in-Charge sa Ilocos Regional Medical Center, na ayon sa mga complainant sinuportahan umano ng ilang matataas na opisyal sa DOH.
Ayon sa mga insider, matapos umano ang kanyang appointment naging sentro rin ng interes ang ilang infrastructure at procurement activities ng ospital.
Lumitaw rin sa mga reklamo ang pangalan ang kanilang inappoint sa Baguio General Hospital (BGH) kaugnay sa umano’y malawakang impluwensya sa infrastructure projects sa Cordillera.
Ayon sa mga source, may mga contractor umanong paulit-ulit na nakapapasok sa mga proyekto gamit ang koneksyon sa ilang opisyal kahit na dawit na ang mga ito sa malawakang flood control at ghost projects.
May mga alegasyon ding gumagamit umano sila Usec ng iba’t-ibang kumpanya at lisensya upang makasali sa procurement activities.
Pinuna rin ng ilang empleyado ang umano’y patuloy na paglalaan ng malalaking budget para sa karagdagang imprastraktura sa BGH kahit sobrang sikip na at wala nang pagtatayuan sa buong pasilidad. Partikular na binanggit ng mga source ang umano’y P200 milyong infrastructure allocation kamakailan lang sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.
Ipinapasilip din ang halagang isang bilyong piso na retained earnings ng naturang ospital na tila hindi nagamit at umano’y nawawala.
Dahil dito, nananawagan ngayon ang ilang health workers kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na personal na suriin ang kalagayan ng procurement at infrastructure projects sa BGH.
Hinihiling din nila ang pagsasagawa ng lifestyle checks at masusing financial at administrative audit sa mga opisyal na inuugnay sa mga alegasyon, matapos umanong mapansin ng ilang empleyado ang madalas na presensya ng mga mamahaling sasakyan sa loob ng ospital compound, kabilang ang mga Tesla, Wrangler, at Prado.
Kasama rin sa panawagan ang pagpapalawak ng imbestigasyon sa umano’y personal at propesyonal na koneksyon ng mga kasalukuyang pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center at Luis Hora Memorial Regional Hospital sa Mountain Province.