Advertisers

Advertisers

TULFO: AKALA KO BA MAY SAFE PASSAGE, BAKIT TINIRA NG IRAN BARKO LULAN MGA PINOY SEAFARERS?

0 7

Advertisers

NAIS ni Senate Committee on Foreign Relations Chairman Senator Erwin Tulfo malaman kung bakit inatake ng bansang Iran ang isang Maltese-flagged container na may lulan na 24 na Pinoy seafarers noong May 5.

Ito ang naging pahayag ni Tulfo sa isang radio interview noong Sabado.

Pito ang sugatan kung saan tatlo naman ang malubha sa pag-atake ng isang drone, na pinaghihinalaan na galing sa Iran, sa nasabing container ship.

“Gusto sana natin marining ang dahilan kung bakit inatake ng Iran ang naturang barko gayong may unawaan naman tayo at ang bansang Iran last month na papayagan maglayag sa Strait of Hormuz ang mga barko na may Filipino seafarers,” ani Tulfo.

Dagdag pa ni Tulfo, “I will ask DFA Sec. Tess Lazaro to ask the Iranian Embassy here kung valid pa ba yung promise nila na hindi gagalawin Pinoy seaman na dumadaan sa Strait of Hormuz.”

Anang mambabatas, “Thankful naman tayo sa Republic of Iran na due to that agreement last month, over 1,000 Filipino seafarers ang ligtas nang nakadaan sa nasabing karagatan”.

Ayon pa sa senador dahil sa nasabing insidente noong May 5, maraming mga Pinoy seaman ang stranded ngayon sa Strait of Hormuz.

Nangako naman si Lazaro na makikipagpulong kay Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeilzadeh ngayong linggo upang alamin kung active pa rin ang kasunduan na “safe passage” para sa mga Fiipino seafarers sa Sraight of Hormuz.

“We need a clear answer from the Iranian government kung okay at safe pa rin ba ang mga Pinoy seaman dumaan sa Strait of Hormuz o hindi na, para maabisuhan natin ang ating mga seamen” paliwanag ni Tulfo.

Muling nanawagan si Tulfo sa lahat ng partido sa sigalot sa Middle East na muling umpisahan ang isang dayalogo tungo para sa katahimikan sa naturang lugar.