Advertisers

Advertisers

PRESENSYA NI TRILLANES SA GITNA NG ICC WARRANT, KINUWESTIYON NI HONASAN

0 5

Advertisers

Nagbigay ng reaksyon si dating Senador Gringo Honasan kaugnay ng presensiya ni Antonio Trillanes sa Senado noong Mayo 11 habang umiinit ang tensyon kaugnay ng ICC arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Matatandaang naging sentro ng usapan noon ang pagdadala ni Trillanes ng dokumentong may kaugnayan sa International Criminal Court (ICC) habang nasa Senado si dela Rosa matapos ang ilang buwang pagliban nito sa sesyon.

Sa isang panayam, diretsahang kinuwestiyon ni Honasan kung ano ang awtoridad ni Trillanes upang naroon sa Senado sa gitna ng sensitibong sitwasyon.

“May mga tao roon na hindi dapat nandoon. Bakit ka nandoon? Sino ka? Sino nag-utos sa’yo na pumunta roon? Ano ang authority mo? Ano ang dokumentong magpapatunay na may karapatan kang nandoon?”

“Ano ang authority mo?” aniya.

Pero kasabay nito, muling binuhay ng ilang netizens ang naging pahayag noon ng dating Senador Gringo Honasan na nagsabing “sagrado” umano ang Senate premises kahit pa kabilang dito ang GSIS compound dahil matagal na itong itinuturing na bahagi ng security at operational perimeter ng Senado.

Ayon kay Honasan noon, hindi basta ordinaryong gusali ang GSIS sa ganitong sitwasyon dahil konektado umano ito sa seguridad ng Senado at sa mga senador mismo.

Dahil dito, mas lalong lumalim ang debate online.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com