Advertisers
Kung mayroong top ten na mga scorer sa NBA ay siyempre mayroon din sa ating PBA.
Alam naman ng marami na si LeBron James ang numero uno sa NBA na may 43,440 na total. Posible pa yan madagdagan dahil aktibo pa ang 41 anos na ama nina Bronny at Bryce.
Dito sa PBA si Ramon Fernandez ang may pinakamaraming puntos na 18,996 na kabuuan. Sagad na niya yan dahil matagal ng retirado ang El Presidente.
Sinundan si LBJ ng puro K nagsisimula ang mga pangalan. Pangalawa si Kareem Abdul Jabbar (38,387).. Pangatlo si Karl Malone (36,928), pang-apat si Kobe Bryant (33,643) at pang lima si.Kevin Durant (32,597).
Heto ang 6th hanggang 10th na posisyon. Michael Jordan (32,292), Dirk Nowitzki (31,560) Wilt Chamberlain (31,419 ), James Harden (29,339) at Shaquille O Neal (28, 596).
Sa talaang yan si Durant din ang maaaring umakyat pa. Tulad ni King James ay naglalaro pa si KD. 1,047 na lamang at madadaig na niya ang Black Mamba.
Sa lokal ang karibal ni Mon na si Abet Guidaben (15,775) ang nasa numero dos, si Alvin Patrimonio (15,091)ay tres, si Atoy Co (12,994) ay kuwatro at singko naman si Nelson Asaytono (12,668).
Sa NBA kasi ay 82 ang laro ng bawa’t koponan sa isang season kaya malaki ang bilang pero sa atin ay halos kalahati lang.
Narito naman ang listahan ng 6fh to 10th pang cager sa unang play for pay league sa Asya
Philip Cezar (12.077), Jojo Lastimosa (12,008), Bogs Adornado (11,967), Robert Jaworski (11,760) at Allan Caidic (11,719).
Pero dahil retirado na silang lahat ay di na gagalaw yan maliban kung maabutan pa ng gaya ni JuneMar Fajardo ang Triggerman.
***
Malamang hindi naman gaano maapektuhan sa gusot sa Senado ang mga komite na may kinalalaman sa mundo ng palakasan. Dahil sa gulo ay mga nangangamba na may pagbabago sa chairmanship.
Sa Sports ay si Bong Go ang chair bago ang drama noong Lunes. Siguro ay mananatili siya doon. Sa Games and Amusements ay hawak dati ni Erwin Tulfo . Dahil hindi naman major assignment ay hahayaan na siya dito.
Oo walang palitan sabi ng ating ibong pipit sa mga nabanggit na komite. Kaso maugong ang ba-lita na may napipintong kudeta ulit. Hay naku!
***
Kumpleto na cast ng semis ng PBA samantalang naghihintay na lamang ng resulta ng game kahapon ang NBA para mabuo ang Fina 4. Sabay halos magtatapos ang dalawang liga.
Sa atin ay Ginebra vs ROS at TNT vs Meralco ang mga pairing.
Sa Amerika ay OKC vs San Antionio sa Western Conference at NY vs winner ng Game 7 ng Detroit at Cleveland sa East.
Ayon kay Aling Barang hula niya ay OKC ang isa sa dulo. Agree ba kayo?