The Entertainment Arts & Media (TEAM), naghatid ng saya sa Gift Giving and Feeding Project sa Child Haus
Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
LAST May 14 ay ginanap ang 5th Gift Giving and Feeding project ng TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa mga batang may sakit sa Child Haus.
Ang Child Haus ay matatagpuan sa F. Agoncillo St. sa Malate, Manila, ito ay pansamantalang tirahan para sa mga batang taga-probinsiya na may kanser na nasa Metro Manila ang mga doktor at iba pang espesyalistang makapagpapagaling sa kanila. Pinatitira sila sa Child Haus, pati na ang isang magulang o guardian nila, para madali silang makapunta sa ospital o sa klinika ng mga doktor at para na rin mabawasan ang gastos nila.
Ang anim na palapag ng gusali ng Child Haus ay donasyon ng SM Holdings na pinamumunuan ni Hans Sy. Ang pangunahing tagapagtaguyod naman ng proyekto ay ang pilantropong beautician na si Ricky Reyes, na sinimulan noong 2001 pa.
Nagsilbing host ng event sina Anne Venancio at Wendell Alvarez na ilang ulit nagpasalamat sa mga nagpa-abot ng suporta sa taunang proyektong ito ng TEAM. Nagsimula ang event sa panalangin sa pangunguna ng VP ng TEAM na si Obette Serrano.
Then, nagsalita ang presidente nitong si Noel Orsal, “Kung hindi po dahil sa ating sponsors, hindi po magiging ganito ka-successful itong program at gift giving. Ilang taon na rin po kaming bumabalik dito—kung hindi ako nagkakamali, apat o limang beses na po—para kahit paano ay mapasaya kayo kahit sa maliit na paraan. Alam po namin na may pinagdadaanan ang bawat isa sa atin dito. Dalangin namin na humaba pa ang inyong pananatili at sana gumaling ang bawat may sakit. Huwag po tayong mawalan ng pag-asa dahil ang Diyos ay may dahilan at may kapalit ang bawat pagsubok.”
Tapos ay nagkaroon ng mini-entertainment para pasayahin ang mga batang pasyente at ang kanilang mga magulang o guardian. Kumanta rito sina Jam Leviste, Don Kengkz, at Cerise Limueco. Sumunod ay nagkainan at nagbigay ng regalo sa mga batang nandoon.
Lubos naming pinasasalamatan ang lahat ng nagbahagi ng kanilang suporta para sa Child Haus: sa CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche Tan, Senator Lito Lapid, Kuya Boy Abunda, Ms Maribel ‘Lala’ Aunor, Ms. Cecille Bravo of Intele Builders and Development Corporations, Ms. Teresita Tolentino Pambuan, Yuki Sonoda, Zara Lopez, Rozz Daniels, Sarah Javier, Direk Romm Burlat, Mojack Perez, Kapitana Rossana Hwang, Angelika Santiago and her Mom, Ms. Bhing, Atty. Denise Frias, Gene Juanich, Boyet and Dencie Zaplan, Direk Emille Joson, Ms. Boots Anson Roa, Beck and Matt Kotrob, producers of Peter Noster, Manila Eye Center, Beta Danz, Atty Rey Bergado, Ms. Emma Cordero, LionhearTV, Mia Japson, movie producer na si Grace Kuramoto, Pascual Laboratories, thru Marianne Ferrer de Vera, Purple Hearts, RF PROACTIVE Marketing Global, Inc. ni Ms. Rosarie Ledesma, Nunungan, Lanao del Norte Vice Mayor Marcos Mamay, Ms. Baby Go of BG Productions, Eian Rances, Jenny Miller, Jed Madela, Cye Soriano, Miles Poblete, Edwin de Guzman – VOOA Mr. Universe, Jam Leviste, at Mr. and Mrs. Jhun Esperas Alim.
Salamat din sa masarap at murang food na inorder namin sa Olga Viray Catering.
Ang iba pang members at officers ng TEAM ay sina Sany Chua at Nimfa Chua, bilang Treasurer at Assistant Treasurer, Audie See – Secretary, Nonie Nicasio – Auditor, at sina Pilar Mateo and Adjes Carreon bilang mga PRO. Kabilang naman sa member ng nasabing media group sina Cesar Batingal, Anne Venancio, Wendell Alvarez, Boy Borja, Rey Pumaloy, Maridol Bismark, Roland Lerum, at Jhay Orencia.