Advertisers
Ni Beth Gelena
Naging emosyonal si Drew Arellano habang ibinabahagi ang espesyal na koneksyon niya sa Hong Kong sa isang kamakailang episode ng Biyahe Ni Drew.
Ayon sa host, tuwing bumibisita siya sa Hong Kong ay bumabalik ang malalalim na alaala tungkol sa kanyang yumaong ama. Ibinunyag niyang sa Sai Kung ipinakalat ng kanilang pamilya ang abo ng kanyang ama, dahilan kung bakit naging napakaespesyal ng lugar para sa kanya.
Ikinuwento rin niya na noong nabubuhay pa ang kanyang ama, marami itong natulungang OFWs bilang abogado, kaya naging parang “second home” niya ang Hong Kong.
Ayon kay Drew:
“Hindi dito namatay ang dad ko 13 years ago, pero dito namin dinala ang ashes niya at dito namin itinapon sa Sai Kung Bay.”
Dagdag pa niya:
“Very nostalgic sa akin ang Hong Kong dahil noong buhay pa ang tatay ko, abogado siya ng maraming OFWs. Kaya talagang naging second home niya ito.”
Nilinaw din ng TV host na hindi basta-basta maaaring magkalat ng abo sa dagat. Aniya, dumaan muna sila sa tamang proseso at kumuha ng kaukulang permits mula sa mga ahensya ng gobyerno bago nila isinagawa ito.
Bukod sa pag-feature ng magagandang tanawin, seafood spots, hiking trails, at water activities sa Sai Kung, naging personal ding pagpupugay ng episode sa alaala ng ama ni Drew. Marami ring netizens ang naka-relate sa kanyang kuwento tungkol sa pagkawala ng mahal sa buhay at sa espesyal na koneksyon ng mga lugar sa mahahalagang alaala.