Advertisers
Ni Anne Venancio
Inamin ng dating Japanese Adult Video (AV) star na si Maria Ozawa ang dahilan kung bakit may pixelation o censorship sa pribadong bahagi ng mga X-rated films sa Japan, na ayon sa kanya ay nakaugat sa kultura at marketing approach ng industriya.
Sa panayam kina Janno Gibbs at Stanley Chi, binalikan ni Maria ang kanyang karanasan sa industriya kung saan siya pumasok sa edad na 18 at nanatiling aktibo hanggang 2009–2010 sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.
Aniya, bahagi ito ng kulturang Hapones at paraan ng pagpo-promote ng adult content, kung saan pinananatili ang misteryo sa kabila ng pagiging hayag ng karamihan ng eksena.
“Sa tingin ko kultura talaga sa Japan ‘yan. Ganyan nila i-market. Nakikita mo halos lahat, pero ‘yung part na ‘yon naka-censor. Mas nagiging mysterious,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, nakatuon din ang industriya sa male audience kaya isinasaalang-alang kung paano maaapektuhan ang emosyon at imahinasyon ng mga manonood.
“Fantasy kasi ‘yan. Halos 90 percent male market,” aniya.
Ipinunto rin niya na mas binibigyang-diin ang female performers bilang pangunahing atraksyon habang hindi kinakailangang guwapo ang male co-stars, bilang bahagi ng marketing strategy.
Samantala, naging usap-usapan din ang naunang episode kung saan ibinenta ni Maria Ozawa kay online personality na si Boss Toyo ang kanyang pink na panty bilang “good luck charm” sa halagang ?20,500 sa Pinoy Pawnstars.
Ayon kay Maria, dati niya itong itinuturing na lucky item sa mga event ngunit kalaunan ay napagdesisyunang ipagbili matapos makita ang konsepto ng show.
“Good luck charm ko siya noon. Ginagamit ko kapag may event ako,” kuwento niya.