Advertisers

Advertisers

ERWAN HINDI INSECURE KAHIT SINO MAKAPAREHA NI ANNE

0 64

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ibinahagi ni Erwan Heussaff kung paano niya hinaharap ang mga romantic pairing ng kanyang misis na si Anne Curtis sa mga proyekto nito sa telebisyon at pelikula.

Ayon kay Erwan, hindi niya hinahayaang manaig ang insecurity pagdating sa trabaho ni Anne bilang aktres. Nauunawaan niya na bahagi ng propesyon nito ang magkaroon ng leading men at romantic scenes, kaya mas pinipili niyang suportahan at respetuhin ang career nito.

Para kay Erwan, mahalaga ang tiwala at maturity sa kanilang relasyon. Sa halip na magselos, tinitingnan niya ito bilang bahagi lamang ng trabaho ni Anne at ng industriya ng showbiz.

Marami naman ang humanga sa pananaw ni Erwan, lalo na sa pagiging secure at supportive niyang asawa kay Anne.

“She was actually doing it when we weren’t even dating yet, so whom am I to tell what to do or change who she is? If you look at it is a part of a job, it is a job and that’s fine, ” sey nga ni Erwan.

Ang isyung ito kasi ay naging viral nang interbyuhin ni Matteo Guidicelli si Erwan sa kanyang online talk, kamakailan kung saan nabash ang mister ni Sarah Geronimo.

Paulit-ulit kasing tinanong ni Matteo si Erwan tungkol sa posibilidad ng selos o discomfort sa mga romantic at intimate scenes ni Anne kasama ang ibang aktor.

Habang pinuri ng maraming netizens si Erwan dahil sa kanyang kalmado at mature na pananaw tungkol sa trabaho ni Anne bilang aktres, may ilan namang viewers na nakaramdam na tila masyadong ipinilit ni Matteo ang usapin tungkol sa selos at insecurity.

Bilang tugon sa mga puna, diretsahang nagpaliwanag si Matteo sa X (dating Twitter):

“Guys just a reminder, I’m the host here. I’m delivering the questions and maneuvering the conversation. Just please enjoy the entertainment!”

Ayon kay Matteo, bahagi lamang ng kanyang trabaho bilang host ang magtanong ng mga sensitibo at interesting na topics upang maging engaging ang usapan para sa viewers.

Sa kabila ng kontrobersiya, hati ang opinyon ng netizens. May mga nagsabing valid ang kanyang approach bilang interviewer, habang ang iba naman ay naniniwalang naging paulit-ulit at masyadong personal ang direksyon ng interview.