Advertisers

Advertisers

Pergalan sa Biñan Laguna ‘di kaya ng PNP, kay NBI Director Atty. Matibag kayo magsumbong?

0 12

Advertisers

Sa Palagay ng mga Ka Usapang Hauz ay mas makakabuting dumirekta na lang ang mga mamamayan ng Binan Laguna partikular sa dalawang Barangay na lulong na sa ilegal na pasugalan yung kung tawagin ay Pergalan.

May nagpaabot ng balita sa Usapang Hauz hinggil sa puwesto Pijo ng “Pergalan” Perya con Sugalan dyan sa Brgy. Sto Tomas at Brgy. Sto Domingo sa bayan ng Binan Laguna na hindi kayang ipatigil kahit lipas na ang Fiestahan.

Makailang ulit na umanong inereklamo ng mga residente ang Pergalan na pagmamayari ng isang Judith sa tanggapan ng Binan PNP maging sa Laguna Provincial PNP Command subalit hanggang sa ngayon ay patuloy ang ilegal na gawain.

Hindi rin malaman ng mga residente ang dahilan kung bakit sa kabila ng malapit lang ito sa Munisipyo at katabi ng palengke ang puwesto pijo ni Judith sa Brgy. Sto Domingo ay tila bulag pipi at bingi ang LGU ng Binan. Bakit nga po ba?

Dahil dito mga Ka Usapang Hauz nais ng mga residente ng nasabing dalawang Barangay na lumapit sila kay National Bureau of investigation NBI Director Atty. Melvin Matibag para ipagbigay alam ang untouchable illegal gambling sa Binan kung saan ang kanyang may bahay Congresswoman Ann Matibag ang siyang representative ng Laguna 1st Dist na sakop ang bayan ng Binan kung saan nakapuwesto ang sugalan ni Judith.

Ayon sa source ng Usapang HAUZ pati na rin mga residente ng Sta Rosa ay nawiwili na at dumadayo sa Pergalan ni Judith na may nakalatag na color games drop ball roleta at iba pang suntok sa buwan ang panalo.

Naniniwala ang mga Ka Usapang Hauz na sobrang busy talaga ang NBI Director Atty Matibag sa mga mas importanteng aktibidad kung kaya’t hindi pa natututukan ang illegal gambling ni Judith na halos taon na nakatayo sa bayan ng Binan.

Sa ganang mga Ka Usapang Hauz pwede naman sigurong ipagutos na lang niya sa kanyang mga tauhan ang pagraid sa Pergalan ni Judith at siguruhin sa mamamayan ng Binan na kanilang kakasuhan ang mayari nito.

Pwede rin naman siguro mga Ka Usapang Hauz na ipagutos ni Cong. Ann Matibag sa lokal na pulisya ang pagpapasara rito ng sa gayon ay hindi na maistorbo pa ang LGU ng Binan na dapat ay sila ang may kargo ng pagpapagiba sa puwesto Pijo na Pergalan ni Judith.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036