Advertisers

Advertisers

Panawagan ni Cayetano: “Extraordinary unity and solutions” sa gitna ng tensyon sa politika

0 6

Advertisers

Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Sabado ng “extraordinary unity and solutions” sa gitna ng lumalalim na tensyon sa politika at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
Hinikayat din niya ang mga lider na ituon ang pansin sa mga pangunahing problema ng bansa.
Sa isang Facebook Live broadcast, sinabi ni Cayetano na ang bansa ay humaharap sa matitinding problema na nangangailangan din ng matitinding solusyon at mas malawak na pagtutulungan ng mga leader.
“’Pag extraordinary y’ung problema, kailangan extraordinary din y’ung solusyon natin. We have to have extraordinary unity,” aniya.
Binanggit din niya ang umiiral na tensyon sa politika kaugnay ng mga kamakailang kaganapan sa Senado, kabilang ang insidente noong May 13 na nagdulot ng panawagan para sa imbestigasyon.
Nguni’t iginiit ng Senate President na dapat pa ring magpatuloy ang trabaho habang isinasagawa ang proseso ng pagbusisi sa pangyayari.
“Hindi natin minemenos y’ung nangyari noong May 13. Ang sinasabi natin, let’s deal with it professionally. Let’s have an independent investigation. Let’s wait for all of the results,” sabi niya.
“In the meantime, let us show the Filipino people that the Senate is the Senate,” dagdag niya.
Ayon sa Senate President, dapat manatiling nakatuon ang mga mambabatas sa mga isyung direktang nakakaapekto sa mga Pilipino tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, healthcare, edukasyon, at transportasyon.
Binigyang diin din niya na may kaugnayan ang pananampalataya at pamumuno, at sinabing hindi dapat alisin ang Diyos sa diskurso ng pamahalaan at pamumuno.
“If you take out God from the equation, from our society, from our schools, from our laws, from the Senate, from the House, from Malacañang, we will truly be lost,” aniya.
“Hindi pwedeng wala si God sa usapan. Let’s not abuse God. Let’s not use God. Let’s be used by God,” dagdag niya