Advertisers

Advertisers

Timestamped sa bawat larawan, video at convo ebidensya ng bagong mayorya na wala script sa insidente ng putukan sa Senado

0 6

Advertisers

TANGING timestamped ang siyang matatawag nating “speak for itself” o ebidensya na magpapatunay na walang alam ang mga miyembro ng bagong mayorya sa magaganap na putukan at walang script ukol dito.
Batay kasi sa lumabas na mga larawang kuha ng mga miyembro ng bagong mayorya na sila ay masayang kumakain ng hapunan at nagkakasayahan pa ay naganap bago ang putukan taliwas sa lumabas na ulat na ito ay kuha pagkatapos ng putukan.
At matapos na makarinig ng putok ng mga senador ay isa-isa din silang nag-alala, kinabahan at nakaramdam ng takot lalo na malapit lamang ang kanilang kuwarto sa pinangyayrihan ng putukan.
Patunay pa nga dito ang pag-live at paghingi ng saklolo ng ilang mga senador sa pangunguna ni Senate President Alan Peter Cayetano dahil sa kaguluhang nagaganap sa senado.
At napag-alaman pa natin na bago nangumusta ang ilang miyembro ng bagong minorya ay una munang nag post sa group chat ng message si Senadora Camille Villar na miyembro ng bagong mayorya na okey lang sila sa senado at matapos nito ay saka lamang nagcomment ang mga senador na miyembro ng bagong minorya.
Kung ganoon kung hindi naunang nag-post si Villar sa group chat ay wala pang mangungumusta at sasagot sa bagong minorya.
Na maituturing kong insulto sa bagong minorya dahil wala man lamang ka-care care sa kanilang mga dating kasama sa mayorya o kahit sa pagiging kapwa senador.
At sa tingin natin wala ni isa mang senador o tao na papayagan niyang ibuwis ang kanyang buhay at gamitin niya ang kaniyang sarili para sa isang scripted stage.
Huwag na lamang ang mga staff na obligadong nanatili sa loob ng gusali dahil nananitili pa ang mga senador na boss nila at miyembro ng bagong mayorya na nagsagawa bg caucus at naghihintay sa pagdating ng article of impeachment mula sa mababang kapulungan ng kongreso kundi ang mga miyembro ng media.
Sa tingin pa ninyo papayag ang mga empelyado at media na sumabay sila sa isang sarswelang scripted na buhay nila ang nakataya.
Dahil sa hindi mo malalaman ang magiging reaksyon mo kung makarinig ka ng putukan at sa takbuhan kung may nastamped at nadaganan ng mga nagtatakbuhan ay posibleng mamatay siya o masugatan.
Madali kasing magsalita o magbigay ng reaksyon ang mga taong wala sa naturang insidente kesa sa mga taong naroon at naging saksi ng maganap ang putukan.
Hindi nga biro po yun para sa lahat ng nandoon dahil masyadong trauma yun lalo na’t hindi ka naman sanay na makapakinig ng putok ng baril sa personal maliban na lamang sa ating mga napapanood.
Kaya dapat maging sensitibo tayo sa ating mga ipapahayag sa mga taong naging bahagi ng isang madilim na kaganapan na tulad ng putukan sa senado na lalo na’ itinuturing nilang ligtas na lugar ito subalit sa kabila nito ay mayroong kaguluhang magaganap.