Advertisers

Advertisers

Latvia’s Bedritis, Rinkevics pasok sa Nuvali Challenge quarterfinals

0 4

Advertisers

ANG mga Latviano na sina Ardis Bedritis at Arturs Rinkevics ay nakapasok sa quarterfinals matapos nilang talunin ang second-seeded American na sina Chase Budinger at Trevor Crabb sa iskor na 22-20, 21-18 sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge sa Sta. Rosa, Sabado.

Naglaro sa ilalim ng matinding init na umabot sa 36°C, o may heat index na 41°C, nagsumikap nang husto sina Bedritis at Rinkevics upang malampasan ang kanilang mga kalaban.

Umiskor si Rinkevics, ng 17 points. habang si Bedritis nagtapos ng 23 points.

Makakalaban nina Bedritis at Rinkevics sina Thomas Hodges at Ben Hood ng Australia, na mas nauna na nilang tinalo ang kanilang mga kababayan na sina Joshua Howat at Luke Ryan, 21-13, 22-20.

Ang No.1 seed na sina Eylon Elazar at Kevin Cuzmiciov ng Israel ay nakikipagtagisan laban kina Adrian Heidrich at Yves Haussener ng Switzerland, sina Paul Pascaruic at Alexander Horst ng Austria ay haharap kina Julian Friedli at Jonathan Jordan ng Sweden, habang sina Maximilian Just at Lui Wust ng Germany ay magtatunggali kina Phillip Huster at Sven Winter sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Pinabagsak nina Ela-zar at Cuzmiciov ang mga manlalaro ng Indonesia na sina Bintang Akbar at Sofyan Rachman Efendi, 21-15, 20-22, 15-5; nilampasan nina Pascaruic at Horst ang kanilang mga kababayan na sina Julian Horl at Laurenc Grossig, 21-19, 19-21, 15-10; nanaig sina Heidrich at Haussener laban sa mga manlalaro mula Poland na sina Piotr Kantor at Fi-lip Lejawa, 22-20, 21-13, habang nakaligtas sina Friedli at Jordan laban sa mga Aleman na sina Jonas at Benedikt Sagstetter, 21-15, 13-21, 15-11.

Tinalo nina Just at Wust ang mga Amerikano na sina Timothy Brewster at Logan Webber, 21-13, 21-17, habang winasak nina Huster at Winter ang mga Ukrainiano na sina Anton Moiseiev at Vitalii Savvin, 21-17, 21-16.