Advertisers
MULING nanindigan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr na hindi na bukas ang gobyerno sa pagkakaroon ng peace talks sa mga miyembro ng New People’s Army.
Isinagawa ni Teodoro ang pahayag noong ito ay nakipagpulong kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson at ilang mga opisyal sa Bacolod City.
Giit nito na target nilang masugpo ang lahat ng mga armadong rebelde.
Subalit paglilinaw niya na tinatanggap ng gobyerno ang mga rebelde na nagbabalik loob.
Matatandaang noong Abril 19 ay ilang katao sa Toboso, Negros Occidental nang makasagupa ng mga sundalo ang mga rebeldeng NPA.
Taong 2023 nang pumayag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ituloy ang peace negotations sa National Democratic Front of the Philippines kung saan kapwa sila pumirma ng kasunduan.