Advertisers

Advertisers

Dagdag diskwento para sa senior citizens isinusulong

0 6

Advertisers

ITINUTULAK sa House of Representatives ang isang panukalang batas para taasan ang diskwentong natatanggap ng mga senior citizen sa bansa.

Ito ay ang House Bill No. 5187 o ang proposed Expanded Senior Citizens Act of 2010 na itinutulak ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes, na naglalayong dagdagan ang benepisyo ng mga nakatatanda habang sila ay tumatanda.

Iminumungkahi ng batas na magdagdag ng limang porsyento (5%) sa kasalukuyang 20-percent senior citizen discount para sa bawat karagdagang sampung taon o dekada ng edad, simula sa pagtuntong ng 70 anyos. Sakaling maging batas, tataas na ang diswento ng senior citizen sa 25%.



Paliwanag ng mambabatas na habang tumatanda ang mga senior citizen, malaki ang itinataas ng kanilang gastusin sa pangangalagang pangkalusugan, mga gamot sa maintenance, at pang-araw-araw na pamumuhay, habang ang kanilang kakayahang kumita ng pera ay patuloy namang humihina.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">