Advertisers

Advertisers

Majority senators no show sa plenary session sa Senado

0 5

Advertisers

NO show ang majority senators kaya hindi nakumpleto ang kinakailangang quorum para maituloy ang plenary session sa Senado nitong Lunes, Hunyo 1.

Dakong 5:00 ng hapon sana ang sesyon ng Senado na itinakda ngunit wala ni isang miyembro mula sa mayorya ang nagpakita.

Bunsod nito, ang 11 miyembro mula sa minority senators lamang ang pumasok at matiyagang naghintay.



Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, patuloy silang maghihintay sa plenaryo hanggang sa dumating ang presiding officer at mga miyembro ng majority bloc.

Sabi ni Zubiri marami silang nakabinbin na trabaho na dapat asikasuhin.



Nabatid na ito ang kauna-unahang pangyayari sa Senado na hindi sumipot sa sesyon ang mayorya ng mga senador.

Alas-7:00 ng gabi nang magdesisyon ang minority senators na umalis na lamang.



Sinabi naman ni Senador Erwin Tulfo na maglalabas ng joint statement ang minority bloc kaugnay sa mga naging kaganapan sa Senado at sa umiinit na usapin hinggil sa quorum at panuntunan sa sesyon.

Dakong 7:30 ng gabi nang kumpirmahin ng staff mula sa opisina ni Senate President Alan Cayetano na wala nang sesyon.

Matatandaang lumalim ang tensyon sa pagitan ng majority at minority blocs matapos ang kontrobersiya sa panukalang payagan ang remote o virtual participation ng mga senador sa sesyon.

Matatandaang noong Miyerkules, nag-walkout ang minority senators. (Mylene Alfonso)