Advertisers

Advertisers

SEC director timbog sa kotong

0 3

Advertisers

ARESTADO ang isang direktor ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa extortion laban sa isang pribadong korporasyon.
Nadakip ang opisyal sa isang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pa-kikipagtulungan mismo ng SEC.
Inilagay narin ng komi-syon sa preventive suspension ang naturang opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
“Rest assured, however, that operations in the SEC will carry on as usual and will be unhampered by this development,” pahayag ng pamunuan ng SEC.
Tumanggi pangalanan ni SEC chairperson Francis Lim ang opisyal upang mapanatili ang integridad ng kaso at maprotektahan ang karapatan ng sangkot na indibidwal at ng kanyang pamilya.
Binigyang-diin ni Lim na nakipag-ugnayan ang SEC sa NBI sa pagsagawa ng operasyon, at nagsimula narin ng hiwalay na administratibong proseso laban sa opi-syal.
“We want to emphasize that the SEC coordinated with the NBI in the operation, has initiated administrative proceedings, and will continue to do what is necessary under the circumstances, including full cooperation with other government agencies and the aggrieved party,” pahayag pa ng komisyon.
“This incident exemplifies our commitment to strengthening accountability and pursuing meaningful reforms—not only in the capital markets we regulate, but within the SEC itself,” dagdag pa nito.
Hinimok din ng komisyon ang publiko na iulat ang anumang katiwalian na kinasasangkutan ng mga emple-yado nito sa pamamagitan ng online reporting portal ng SEC na i-message sa sec.gov.ph.