Advertisers

Advertisers

2026 Strategic Investment Priority Plan, aprub kay Marcos

0 6

Advertisers

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 2026 Strategic Investment Priority Plan (SIPP) na naglalayong makahikayat ng mas maraming pamumuhunan, makalikha ng trabaho, at magbigay ng tax incentives sa mga kwalipikadong negosyo sa bansa.



Sa ilalim ng Memorandum Order No. 47, inatasan ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang maayos at magkakaugnay na pagpapatupad ng programa at huwag magpatupad ng mga polisiyang taliwas dito.

Ipinag-utos din na pabilisin ng mga Investment Promotion Agencies (IPAs), lokal na pamahalaan, at iba pang ahensya ang pagproseso ng mga permit at iba pang requirements alinsunod sa Ease of Doing Business Act.



Nakapaloob sa SIPP ang tatlong antas ng prayoridad na industriya, kabilang ang mga proyektong may mataas na potensyal sa paglikha ng trabaho, mga industriyang kritikal sa pag-unlad ng ekonomiya, at mga makabagong sektor gaya ng artificial intelligence, cybersecurity, at data centers.

Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang memorandum noong Mayo 21, 2026, at magkakabisa ito 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette o sa pahayagang may malawak na sirkulasyon. (Gilbert Perdez)